Join our FREE personalized newsletter for news, trends, and insights that matter to everyone in America

Newsletter
New

Bela Padilla May Inamin Kay Martin Tan; Binigyan Ng Love Advice Ni Maricel

Card image cap

Bela Padilla, Martin Tan at Maricel Soriano

FINALLY, nagsalita na ang Kapamilya actress na si Bela Padilla tungkol sa kanyang rumored boyfriend na si Martin Tan.

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga litrato nila ng negosyante na kuha sa ilang beses nilang paglabas in public together.

Marami ang naniniwala na may “something” na sa pagitan nina Bela at Martin base sa mga nag-viral nilang photos sa Facebook at TikTok.

Kaya naman sa nakaraang mediacon ng bago niyang pelikula sa Viva Films, ang “Life After You” kung saan makakasama niya ang Diamond Star na si Maricel Soriano, ay natanong siya about Martin.

Ano na nga ba ang real score sa kanila? “Hindi pa dyowa e, parang getting to know pa lang.”

Matipid ang naging reaksyon ng aktres tungkol sa status ngayon ng kanyang lovelife pero kitang-kita sa awrahan niya for today’s video ang kaligayahan.

Naibahagi naman ng tinaguriang Philippine Cinema’s Queen of Hearts, ang ilang advice sa kanya ni Maricel pagdating sa love at pakikipagrelasyon.

Baka Bet Mo: Bela Padilla sa isyu sa kanila nina Kim at Angelica: I won’t talk about it muna

“Unang-unang sinabi sa akin ni Inay is ‘huwag na huwag kang iiyak over a guy, kapag umiyak ka na, leave.’ Natutunan ko naman siya and so far hindi pa naman po ako umiiyak, masaya pa naman ako,” sey ni Bela.

Samantala, dream come true para kay Bela Padilla ang makasama sa isang drama film ang nag-iisang Diamond Star.

“She made me remember why I love this job so much. She made me realize also na, yun nga, it’s not always parang, I guess, sunshine and rainbows in our profession. Kasi, parang my whole life, I treated this job and this profession that way.

“And then, yun nga, parang it got challenging for a bit. And then Inay made me realize why I came here in the beginning. 

“Why acting is so important to us and why we love it so much and why being a storyteller is so important, especially in times like this.

“Our country’s going through such difficult times. It’s so nice that we get to tell stories that give hope and make people feel good. So, she brought that back to me,” pagbabahagi ni Bela.

Sey naman ni Maricel sa unang pagtatrabaho nila ni Bela together sa “Life After You”, “Ay, napakabongga. Kasi wala kaming ginawa, kundi magdaldalan ng magdaldalan.

“At saka, yung mga eksena namin iyakin. Pero kami dalawa, tawa lang kami ng tawa. Kasi nga, masaya kami. And she’s very, ano, she’s very intelligent. She’s a good actress, and she’s pretty,” sabi pa ng movie icon.

Directed by Marla Ancheta, kasama rin sa “Life After You” sina Marlo Mortel, Ryza Cenon, Krissha Viaje, MJ Cayabyab, Andrea Babierra, Peach Caparas, Gardo Versoza, Rey PJ Abellana, at ang baguhang child actress na si Dani Zee.

The post Bela Padilla may inamin kay Martin Tan; binigyan ng love advice ni Maricel appeared first on Bandera.